Ni Fer Taboy

Sumuko na rin sa militar ang isang sniper ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa bayan ng Al-Barka, Basilan nitong Sabado ng hapon.

Sa report ng Armed Forces of the Philippines (AFP), nakilala ang sumuko na si Ligod Tanjal, alyas Coy-coy, isang sharpshooter at tauhan ni ASG leader Nurhassan Jamiri.

Dinala ni Tanjal sa kanyang pagsuko sa Bravo Company ng 74th Infantry Battalion sa Barangay Macalang, ang isang M-16 rifle.

Probinsya

Babaeng hinihinalang lasing, nandura ng deboto ng Sto. Niño, nanakit din ng pulis!

Nilinaw din ng militar na kabilang si Tanjal sa watchlist ng AFP na nagpasyang magbalik-loob sa pamahalaan bunsod na rin ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa mga terorista.