NI BRIAN YALUNG

NADAGDAGAN ang karanasan at tagumpay ni Filipina Breanna L. Labadan sa international scene nang makamit ang ikatlong puwesto sa XVI Gracia Cup 2018 Rhythmic Gymnastics Championship kamakailan sa Pestszentimrei Sportkastély sa Budapest, Hungary.

WIZ KID! Masayang nagdiwang si Breanna kasama ang ama.
WIZ KID! Masayang nagdiwang si Breanna kasama ang ama.

Impresibo si Breanna, tanging Pinay na kumatawan sa Pilipinas sa torneo, sa dibisyon para sa mga batang may ead 11-pababa. Kabilang sa mga nakaharap niya ang mga gymnasts mula sa Russia, Bulgaria, Ukraine, Poland, Slovenia, Greece, Slovakia, Belgium at host country Hungary.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Nasundan ni Labadan ang matagumpay na kampanya sa Hongkong Queens Cup sa nakalipas na taon kung saan akamit niya ang overall cvhampionship. Siya ang unang Pinay na nagwagi a Rhythmic Gymnastics Sports

“The secret above all this success is our faith in Jesus. With her dedication and hard work to train harder at 11 years old like that I’m very confident she can be a star in this sport,” pahayag ng ama na si Arnold Labadan.

Nag-aaral si Breanna sa St. Scholastica's College- Manila at nagmula ang pamilya sa Butuan City, Agusan Del Norte. Miyembro siya sa kasalukuyan ng National Pool ng ymnastic Association of the Philippines, sa pangangasiwa ng Philippine Sports Commission.

Sumasalang siya sa pagsasanay ni coach Dora Vass sa Gymnastic association of the Philippines (GAP) na pinamumunuan nina Ms. Bettina Pou at president Ms. Cynthia Carrion.