Ni Orly L. Barcala

Nakatakdang ipadala ng Navotas City government ang kanilang ayuda sa mga evacuee sa Albay na naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Ipinahayag ni Navotas City mayor Rey Tiangco, bukod sa donasyon ng lungsod na P500,000 na halaga ng relief goods, nakatanggap na rin sila ng mga damit, malinis na tubig, de-latang pagkain at mga gamot.

Ang mga ito aniya ay ipadadala nila sa lalawigan sa Pebrero 25.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Ang nabanggit na donasyon ay nalikom nila sa pamamagitan ng kanilang “Adopt-A Municipality” program na sinimulan ni Presidential Adviser on Political Affairs Francis Tolentino.

Gayunman, nananawagan pa rin ang alkalde sa ating mga kababayan na maaari pa rin silang tumanggap ng anumang donasyon hanggang Pebrero 23.