Ni Bert de Guzman

DUMIDISTANSYA ang Malacañang sa usapin ni Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy, kaibigan at supporter ni President Rodrigo Roa Duterte, na umano’y hinarang at ikinulong sa US dahil natagpuan sa loob ng kanyang private plane sa Hawaii ang may $350,000 cash at mga piyesa ng ripple.

-0-0-0

Ayon sa Palasyo, si Quiboloy ay isang pribadong tao na may kakayahang harapin ang kaso. Itinanggi ng lider-relihiyoso na wala siyang nagagawang anumang krimen sa US. Sinabi ng kanyang spokesman at legal counsel na si Atty. Israelito Torreon, hindi idinetine si Quiboloy tulad ng mga lumabas na balita.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

-0-0-0

Itinuturing ni Quiboloy na siya ang “appointed son” ng Diyos na naghahasik ng magagandang aral sa mundo, tulad ng Pilipinas. Sinasabing may anim na milyon ang follower ng kanyang grupo sa buong mundo. Sabi ni Torreon: “I have to clarify everything. Detention implies that he committed a crime and that he violated US law. He was not detained, he did not violate any US law and as a matter fact, he is back in the Philippines.”

-0-0-0

Matigas ang paninindigan ng Duterte administration na hindi kilalanin ang Chinese names o mga pangalang-Tsino sa Philippine Rise (Benham Rise). Ayon kay Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, kahit na ano ang pahayag ng International Hydrographic Organization (IHO) tungkol dito, hindi kikilalanin ng PH ang gayong mga pangalan.

-0-0-0-0

Idinagdag ni Cayetano na ipinaalam na ng Pilipinas ang posisyon nito tungkol sa Philippine Rise. “Hindi namin tatanggapin ito kung kaya ang ginamit namin ang salitang “object and protest.” Ang IHO ang international body na nagdodokumento at nag-iipon ng mga pangalan ng underwater features. Aba, iba na yata ang tono ngayon ni Sir Peter, hindi na parang spokesman ng China!

-0-0-0-

Inihayag ng Department of Tourism (DoT) na ang mga biyahe sa ibang bansa ng mga kawani nito ay awtorisado.

Ipinagtanggol ni DoT Sec. Wanda Tulfo Teo na ang overseas trips ng kanyang mga kasama ay bilang biyahe ng “little people” ng departamento, at hindi ginastusan ng gobyerno ang mga biyahe.

-0-0-0

Itinanggi rin niya na ang kasama niya sa biyahe ay isang make-up artist gaya ng report ng media. Siya raw ay isang “executive assistant”. Para sa kanya, ang gayong ulat ay “malisyoso”. Ayon kay Teo, tinanggap niya ang 10 cabins mula sa cruise line Star Cruisers, kapartner ng DoT , sa tourism campaign ng gobyerno.

-0-0-0-

Hindi ba ganito rin ang katwiran ni PCSO General Manager Alexander Balutan nang magpa-Christmas Party noong nakaraang Pasko na ginastusan ng P6.4 milyon. Ang pagdiriwang daw ay para sa mga maliliit at ordinaryong kawani ng ahensiya.

Pero, sabi ni PCSO board member Sandra Cam, ang gastos sa Christmas Party ay P10 milyon. Abangan natin ang susunod na “bangayan” ng PCSO officials at ng iba pang tanggapan ng gobyerno na meron din daw umiiral na katiwalian, tulad ng SSS.