Ni Argyll Cyrus B. Geducos

Inaasahang bibisitahin ni Pangulong Duterte ang burol ng overseas Filipino worker (OFW) na si Joanna Demafelis, na natagpuang patay sa loob ng freezer sa isang abandonadong apartment sa Kuwait.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa press conference sa Malacañang.

Magbibigay din, aniya, ng tulong ang Pangulo sa pamilya ni Demafelis, bukod pa sa ayudang pinansiyal na una nang natanggap ng pamilya mula sa pamahalaan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Death [and burial benefits], financial assistance to the family [were already extended]. And I am sure the President will announce other contribution,” kumpiyansang pahayag ni Roque.

Nakaburol ngayon si Demafelis sa kanyang bayan sa Sara, Iloilo, at ililibing sa Marso 3.

Una nang mariing binatikos ng Pangulo ang Kuwaiti government sa umano’y pagiging “oblivious” sa mga pang-aabuso sa mga OFW sa Kuwait, at iniutos ang pagpapatupad ng total deployment ban sa nasabing bansa.