NI EDWIN ROLLON

ITINUTULAK ng ilang grupo ng National Sports Association (NSA) si Cynthia Carrion, pangulo ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP), na tumakbo bilang pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC).

Cynthia-Carrion

Ayon sa isang opisyal na tumangging munang pangalanan, ang dating Sports Tourism undersecretary ang lehitimong alternatibo sakaling hindi payagan ng POC Comelec si boxing chief Ricky Vargas na tumakbo laban kay incumbent POC chief Jose ‘Peping’ Cojuangco.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“Right now, umabot na sa 23 ang pumirma sa signature campaign namin para hilingin sa POC Comelec na payagan si Vargas (Ricky) na tumakbo sa POC presidency. Umaasa kami na kami ay mapagbibigyan, pero kung mananatili ang Comelec sa interpretasyon nila sa ‘Active membership’, pakikiusapan naming si Carrion (Cynthia) na siya na lang ang lumaban laban kay Mr. Cojuangco,” sambit ng opisyal.

“Pagod na kami, gusto na naming ng pagbabago sa POC, we want new leadership. Ayaw na naming kay Mr. Cojuangco,” aniya.

‘So far, tanging si Ms. Carrion ang qualified to run againts Cojuangco,” aniya.

Ang gymnastics ay Olympic sports at kumpleto ang attendance ni Carrion sa lahat ng meeting at function ng POC sa nakalipas na taon.

Kabilang sa mga prominenteng lumagda sa petisyon sina weighlifting president at dating POC chairman Monico Puentevella at kasalukuyang executive board member Jonne Go ng canoe-kayak.

“We will present it before the elections this Friday,” pahayag ni Ed Picson, secretary-general ng boxing association na pinamumunuan ni Vargas.

Sa panayam, sinabi ni Carrion na nararapat na galangin ng POC ang kautusan ng korte kung saam ipinag-utos nito na ‘null and void’ ang naganap na election noong 2016 at hayaang tumakbo si Vargas sa pagkapangulo.

“The court already came out with a decision. We have to abide that,” sambit ni Carrion, tanging miyembro ng POC Executive Board na hindi lumagda sa naunang resolusyon na huwag nang magsagawa ng bagong election.

Ikinatuwa naman niya ang naging pahayag ng mga kapwa NSA opsiyal

“I was overwhelmed. But let’s see how the POC Comelec decides on the petition first,” pahayag ni Carrion.

Ipinahayag naman ni dating athletics chief Go Teng Kok na matibay na alternatibo si Carrion para labanan si Cojuangco.

“She been in the POC for years. Alam na niya ang trabaho at pasikot-sikot dyan. She also build good relation with other members of the POC family,” sambit ni Go.

Pinayuhan din ni Go si Vargas na maging matatag at matalino sa paglaban sa grupo ni Cojuangco.

"Kailangang matigas at matikas ang paninindigan ni Vargas kontra Peping.The incumbent is resorting to dirty tactics against potential rival to assure his victory for another term.Alam kasi ni Cojuangco na bumaba na ang kanilang bilang and Vargas has the numbers to win the POC top post,’ sambit ni Go.

Ayon kay Go, kung pipilitin ni Cojuangco ang isyu ng teknikalidad para na-disqualify muli ang kalaban, isang matibay na alternatibo rin ang ‘majority walkout’.

“Mr.Vargas must initiate a walkout along with his supporters who are believed to be majority than Cojuangco's men .Minority can't make Peping president once again,” aniya.