Ni Liezle Basa Iñigo

URDANETA CITY, Pangasinan - Hindi akalain ng mga magulang ng isang 4-anyos na bata na ang paglalaro nito ay ang sanhi ng kanyang kamatayan nang malunod ito sa Urdaneta City nitong Linggo ng umaga.

Ang nasawi ay kinilala ng pulisya na si Trisha Mae Calacsan, ng Zone 2, Nancamaliran East ng lungsod na ito.

Natuklasan ng pulisya na bago maganap ang insidente ay naglalaro lamang ang paslit sa labas ng kanilang bahay na hindi napansin ng kanyang mga magulang.

Probinsya

Bangkay ng babaeng binigti umano ng mister, natagpuang nakasilid sa ilalim ng kama!

Nadiskubre na lamang ang bangkay nito sa Macalong creek na malapit lamang sa kanilang lugar.