PAMILYA NINA AGA AT CHARLENE AT ANG MAY AKDA copy

Ni REGGEE BONOAN

SINO ang mag-aakala na 90s pa pala nagsimula bilang endorser ng Jollibee si Aga Muhlach, na naging founder pa ng MaAga Ang Pasko, ang taunang Christmas gift-giving ng Jollibee.

Nagsimula ang ideya ni Aga na para makapanood ng show niyang Okidoki Doc (1993-2000) sa Delta Theater, ang passes ay ang pagdadala ng mga laruang hindi na ginagamit para i-donate sa Jollibee na ipinamamahagi naman sa mga batang kapuspalad sa pakikipagtulungan sa DSWD.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Ginawang TV commercial ang MaAga Ang Pasko na naging instant hit at lalong lumakas ang adbokasiyang ito ng aktor.

Napapayag pa noon si Aga na isama sa isang TVC ang kambal nila ni Charlene Gonzales na sina Atasha at Andres.

Sa media conference ng Mula Noon Hanggang Ngayon TV ad campaign ng Jollibee nitong Linggo, kasama uli ng aktor ang kanyang mag-iina.

“Before, 20 lang ang stores ng Jollibee when they got me, now I think, more than a thousand branches na. Kaya I’m so happy na heto bumalik ako with my family na, ilang taon na bale, 19 years na ako sa Jollibee,” kuwento ni Aga.

Maliliit pa sina Atasha at Andres kasama si Charlene nang unang masilayan sa TVC ng nangungunang fastfood chain sa bansa at ngayong muli silang nagbalik ay dalagita’t binatilyo na ang kambal.

“O, vintage ka na,” biro tuloy sa amin ni Aga, “ang lalaki na ng mga apo mo, oh?”

Akalain mo, Bossing DMB hindi pa isinisilang ang kambal nang kunin kaming publicist ni Mommy Elvie Gonzales for Charlene na contestant pa lang noon sa Binibining Pilipinas 1994.

Hanggang ngayon, hindi nagkakamali ang Jollibee sa pagkuha sa Muhlach family na mahilig talaga sa fried chicken. Pagkatapos nga ng interviews/pictorials ay lumapit na si Aga sa table namin nina Manay Ethel Ramos at Mommy Elvie at naghahanap ng makakain dahil gutom na raw siya at sumunod na rin si Andres saka nilantakan ang isang bucket ng Chickenjoy.

“Talagang mula noon hanggang ngayon, Chickenjoy has been a constant presence in my life not only because of all the projects I did with Jollibee, but because it really is my favorite fried chicken from the crispylicious skin to the juicylicious malinamnam meat that you dip in the gravy. Chickenjoy really hits the spot when it comes to flavor na ‘di ko malilimutan,” sey ni Aga.

“And the twins really do the ‘Isa pa! Isa pang Chickenjoy’ thing because they really love, they grew up with Chickenjoy and they know that when it comes to fried chicken, talaga namang best sa sarap ito.”

“Throughout the years, Chickenjoy has always been a classic favorite for many Pinoy families because of the unparalleled flavor and dining experience it delivers,” sabi naman ng marketing director ng Jollibee flagship products na si Ms Cathleen Capati.

Samantala, habang ginaganap ang Q and A ay walang nakahalata na ninenerbiyos pala sina Atasha at Andres. Kaya pala puro ngiti lang ang sagot nila. Pero ibinuking sila ng kanilang Mommy Charlene.

“Hindi kasi sila sanay, Ate Reg sa ganitong presscon, it’s their first time,” kuwento ni Charlene nang masolo namin, sabay tanong sa kambal kung ninenerbiyos na duetong sumagot ng, “A bit.”

Common knowledge na pinalaki kasi nina Aga at Charlene ang kanilang kambal na malayo sa showbiz.

“Sa bahay, we never mention about showbiz, normal life lang kami, Ate Reg,” kuwento na magandang maybahay ni Mr. Ariel Muhlach. “Pati sila (Andres at Atasha), nagagawa nila ang gusto nila, normal kids. Nakakapag-bike sila sa loob ng village with their friends. Sa school ganu’n din, walang special treatment. At saka sa international school naman wala naman silang pakialam kung anak ka ng showbiz or kung sinuman.”

High school na sina Atasha at Andres at hindi pa alam kung ano ang kukuning kurso sa kolehiyo, pero pareho silang mahilig sa basketball.

“They love basketball ate Reg, they’re both player in school,” pagmamalaki ng ni Charlene.

Nagmana sa parents na pareho ring mahilig sa basketball. Basketball din ang libangan ng Muhlach family sa bahay nila.

At naging player din si Charlene sa University of Sto. Tomas College of Psychology at center ang position niya, sabi namin kay Atasha.

“Pero mas magaling siya (Atasha) sa akin, Ate Reg, pointguard siya sa school,” kuwento ng proud mom.

Daig nga ni Atasha si Charlene dahil football player din ito.

Ipinagmalaki ng bagets na lumaban na sila ng basketball sa ibang bansa.

“We went to Jakarta, Brunei and Hongkong and we won,” masayang sabi ng dalagita. “Both mom and dad encourage us to play basketball and very inspiring because mom was a good player then.”

Sino sa mga anak nila ni Aga ang gustong sumunod sa yapak nila sa showbiz?

“Si Andres parang wala pa sa isip niya, concentrated sila sa school at sports, so hindi ko pa masabi, Ate Reg, pati nga kung anong kukunin nila sa college, wala pa, eh.

“Itong si Atasha ang medyo parang interested kasi nu’ng sinu-shoot namin itong Jollibee ad, enjoy siya, eh. Iba ‘yung saya niya, she loves shooting. So, baka siya. And she also sing. Nu’ng bata siya nag-theater siya, eh,” kuwento ni Charlene.

Siyempre, tinanong namin si Atasha kung type niya ang showbiz. At ang napangiting sagot sa amin, “Maybe, I enjoyed doing the commercials,” sagot niya.

Dating beauty queen ang mom niya, plano rin ba niyang pasukin ang beauty contest?

“We’ll see if the opportunity is there, then why not, but for now, school first,” nakagiting sabi ng dalagita.

At nabuking din namin na lola’s girl si Atasha dahil pagkatapos ng presscon ay pumunta na kaagad kay Mommy Elvie, yumakap at hindi na humiwalay sa tabi nito.

Kaya tinanong namin, ‘Are you a lola’s girl?’ Susme, namilog ang mga matang tumango at sabay ngiti.

In fairness, kamukha rin naman kasi ni Mommy Elvie ang apo, mini-me nilang dalawa ni Charlene si Atasha.