WASHINGTON (Reuters) – Isang Russian propaganda arm ang namahala sa criminal at espionage conspiracy para i-tamper ang 2016 U.S. presidential campaign pabor kay Donald Trump at ipatalo si Hillary Clinton, nakasaad sa indictment na inilabas nitong Biyernes.

Kinasuhan ng opisina ni U.S. Special Counsel Robert Mueller ang 13 Russians at tatlong Russian companies, kabilang ang St. Petersburg-based Internet Research Agency na kilalang troll sa social media.

Nakasaad sa dokumento sa korte na ang mga akusado “had a strategic goal to sow discord in the U.S. political system, including the 2016 U.S. presidential election.”

Ayon dito, gumamit ang mga Russian ng false online personas para isulong ang divisive messages; bumiyahe sa United States para mangalap ng intelligence, bumisita sa 10 estado; at nagsagawa ng political rallies habang nagpapanggap na mga Amerikano.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina