Inaprubahan ng House Committee on Appropriations ang budget para sa panukalang nagsusulong sa katapatan o pagiging honest sa mga palengke o pamilihan, partikular ang mga timbangan.

Ang panukala ang ipinalit sa House Bill (HB) No. 2957 na may pamagat na “An Act for the establishment of a Timbangan ng Bayan Center” sa lahat ng pamilihan sa bansa.

Inaamyendahan nito ang Chapter II ng Republic Act No. 7394 o ang Consumer Act of the Philippines.”

“This measure seeks to further improve the protection of consumers by the state. The Consumer Act has been in effect for almost 26 years now, so some of its provisions need to be attuned to the times,” ayon kay Davao City Rep. Karlo Nograles, tagapangulo ng komite.

National

Marce, lalo pang lumakas; Signal #1, itinaas sa 14 lugar sa Luzon

Ang HB 2957 ay inakda ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga 2nd district Rep. Gloria Macapagal-Arroyo. - Bert de Guzman