Alvin Pasaol (PBA Images)
Alvin Pasaol (PBA Images)

Mga Laro Ngayon (Pasig City Sports Center )

2:00 n.h. -- AMA Online Education vs Marinerong Pilipino

4:00 n.h. -- Batangas-EAC vs. Jose Rizal University

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

TARGET ng Marinerong Pilipino na mapatatag ang kapit sa No.4 sa kanilang pagsagupa sa AMA Online Education sa unang laro ngayong hapon sa 2018 PBA D League Aspirants Cup.

Sasagupain ng Skippers ang Titans ganap na 2:00 ng hapon na susundan ng tapatan ng Batangas-Emilio Aguinaldo College at Jose Rizal University sa 4:00 ng hapon sa Pasig City Sports Center.

Matapos makaranas ng dalawang sunod na kabiguan, nagtala ng dalawang sunod na panalo ang Marinero na nag-angat sa kanila sa markang 3-2.

Inaasahan ng Skippers na bago matapos ang eliminations ay buo na ang chemistry ng team upang mas maging solido sila para sa target na makapasok ng finals.

Sa panig naman ng kanilang katunggali, hangad nitong masundan ang nakamit na unang tagumpay upang patuloy na buhayin ang tsansang makausad sa susunod na round.

Muling sasandig ang Titans sa dalawang dating UAAP hotshots na sina Robbie Manalang at James Martinez partikular sa una na nagpasiklab sa pagtala ng season high 40-puntos sa 96-93 panalo nila kontra Generals para pamunuan ang target nilang back-to-back wins.

Sa huling laban, magtatangkang makabalik sa winning track ang Jose Rizal University mula sa pagsadsad sa tatlong sunod na pagkatalo sa pagsagupa nito sa cellar dweller at winless pa ring Batangas-Emilio Aguinaldo College (0-4). - Marivic Awitan