Mga Laro Ngayon (Filoil Flying V Centre)

11:00 n.u. -- Perpetual vs Letran (Jrs Finals)

2:00 n.h. -- Perpetual vs Arellano (Men Finals)

4:00 n.h. -- San Beda vs Arellano (Women Finals)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

MUNTIK nang magkatamaan ang magkasanggang sina Darlene Ramdin (kanan) at Mikaela Lopez ng Generika-Ayala nang magkasabay na tangkaing ma-saved ang bola sa kainitan ng kanilang laro sa Philippine Super Liga sa Ynaes Sports Center sa Pasig City.
MUNTIK nang magkatamaan ang magkasanggang sina Darlene Ramdin (kanan) at Mikaela Lopez ng Generika-Ayala nang magkasabay na tangkaing ma-saved ang bola sa kainitan ng kanilang laro sa Philippine Super Liga sa Ynaes Sports Center sa Pasig City.
SA isang iglap, dalawang kampeonato ang posibleng maiuuwi ng Arellano.

Matapos ang matikas na pakikihamok sa liyamadong karibal, target ng Chiefs na masungkit ang unang titulo sa men’s division, habang asam ng Lady Chiefs ang back-to-back title sa women’s class sa pagpalo ng krusyal Game Two ng best-of-three championship series ng NCAA Season 93 volleyball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Haharapin ng Chiefs ganap na 2:00 ng hapon ang matikas na University of Perpetual Help, habang sasagupain ng Lady Chiefs ang San Beda College Lady Red Spikers sa 4:00 ng hapon.

Ginulat ng Chiefs ni coach Sherwin Meneses ang Altas nang ipalasap nila ang pait ng unang kabiguan, 12-25, 25-21, 19-25, 26-24,15-9, sa Game 1 nitong Biyernes.

“Sabi ko lang sa kanila, after ng celebration ngayon kailangan balik focus ulit sa laro kasi di pa tapos ang laban, “ pahayag ni Meneses matapos biguin ang Altas sa unang pagkakataon ngayong season.

Umabante ang Perpetual sa Finals sa impresibong 12-0 sweep sa elimination.

Target ng Chiefs ang unang kampeonato mula nang sumali sa liga noong 2009.

Inaasahan ni Meneses na hindi ito magiging madali dahil tiyak na babalikwas ang Altas, sa pangunguna ni Rookie at MVP Jobert Almodiel.

Sa women’s division, hangad naman ng Lady Chiefs na walisin na rin ang kanilang series para sa hangad nilang back-to-back titles.

Inaasahang muling mangunguna para sa Lady Chiefs sina Regine Arocha,Sarah Verutiao at Jovielyn Prado.

Sisikapin naman silang hadlangan ng bagamat maliliit ay palaban namang Lady Red Spikers sa pangunguna nina Iza Viray at Cesca Racracquin.

Mauuna rito, magsisimula naman ang best of 3 finals series sa juniors division ganap na 11:00 ng umaga sa pagitan ng University of Perpetual at Letran. - Marivic Awitan