HINIKAYAT ng environment group na Philippine Coral Bleaching Watch ang publiko na i-report ang kondisyon ng mga coral reefs o bahura sa kani-kanilang lugar.
“We need everyone’s help on the matter,†lahad ng group coordinator na si Miledel Quibilan, at sinabing 26,000 square kilometers ang saklaw ng mga bahura sa bansa.
Inihayag ni Quibilan na maaaring magboluntaryong mag-report ang publiko gamit ang kanilang mga Facebook account o ang app ng grupo.
Ang report hinggil sa kung ang mga bahura ay namumutla o maputi na ay makatutulong sa mga siyentista na mabantayan at mapag-aralan ang labis nang pinsala sa ecosystem, bunsod ng pabagu-bagong klima at ng tagtuyot, ang El Niño phenomenon.
Ang kanilang mga matutuklasan ay makatutulong na matukoy ang mga posibleng paraan para mapangalagaan at maisalba ang mga bahura.
Kailangang maisalba kaagad ang mga bahura sa bansa dahil nauubos na ang coral cover ng bansa, ayon sa datos na ipinakita ni Director Dr. Wilfredo Licuanan, ng Alfred Shields FSC Ocean Research Center, sa press conference sa Metro Manila kamakailan.
“Forty years ago, about 5.0 percent of our reefs were still in excellent condition since more than three-fourth of the surface was covered with live corals—we no longer saw this during our assessment over the last three years,†sinabi ni Licuanan, isa ring propesor sa De La Salle University.
Ang pagkaubos ng coral cover ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan ng pamahalaan ang mga bahura, para sa benepisyo ng susunod na henerasyon, aniya.
Ang mga bahura ay mga likhang nasa ilalim ng tubig, at nabuo sa paglipas ng mga taon, mula sa mga kalansay ng mga hayop sa dagat, na permanente nang nakadikit sa kailaliman ng dagat, ayon sa mga eksperto.
Anila, ang mga bahura ay kabilang sa pinakamahahalagang ecosystem, dahil tinitirahan ito ng iba’t ibang uri ng hayop, kabilang ang mga pinakaimportanteng isda. - PNA