Ni Lyka Manalo

TAAL, Batangas-Naglunsad na ng imbestigasyon ang Taal police station kaugnay ng pamamaslang sa isang barangay chairman sa Taal ng lalawigang ito nitong Sabado ng gabi.

Ipinangako ni Senior Insp. Ricaredo Dalisay, hepe ng Talisay Police, gagawin nila ang lahat upang matukoy ang responsable sa pamamaril kay Ireneo Quintana Almazan, 56, ng Barangay Carasuche, Taal.

Nangyari aniya ang insidente ilang metro lamang ang layo sa barangay hall dakong 9:20 ng gabi.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Sa imbestigasyon, biglang sumulpot ang isang motorsiklo lulan ng dalawang lalaki at pinagbabaril ang biktima.

Tinangkang isugod sa Taal Polymedic Hospital ang biktima ngunit dead-on-arrival na ito dahil sa mga tinamong tama ng bala sa katawan.

Paliwanag pa ni Dalisay, sinisiyasat din nila ang isa sa anggulong may kaugnayan ang insidente sa darating na barangay election kung saan plano umano kumandidato muli ni Almazan bilang kapitan ng barangay.