Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) nangangalap ng mga bago kasapi ang teroristang Islamic State of Iraq and Syra (ISIS) sa Luzon at Visayas.
Sinabi ni PNP chief Ronald Dela Rosa na may natanggap siyang intelligence report na nagre-recruit sa Marawi City at Lanao area, at binibirepika pa ang report.
Sa ngayon tinututukan ng PNP at Armed Forces of the Philippines ang nasagap nilang impormasyon patungkol sa pag-recruit ng ISIS sa mga Muslim areas sa Mindanao at mga nagkalat sa Muslim sa Luzon at Visayas.
Hindi binanggit ni Dela Rosa kung ano ang kanilang ikinakasang operasyon laban sa teroristang grupo.
Naniniwala ang PNP na maiibsan ang banta ng ISIS sa Luzon at Visayas sa pamamagitan ng palitan ng information sa militar at iba law enforcement agencies. - Fer Taboy