Bilang paghahanda sa posibleng pagtama ng "Big One" o malaking lindol, tinipon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga building official sa isang Earthquake Risk Resiliency forum.
Sa ginanap na forum, ibinahagi ng mga eksperto mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), University of the Philippines (UP) National Engineering Center, Office of the President-Presidential Management Staff, Association of Structural Engineers of the Philippines (ASEP), Department of Finance (DOF), at Department of the Interior and Local Government (DILG).
Upang mapaigting ang paghahanda ng mga LGUs para sa Big One, tinalakay sa forum ang Philippine Earthquake Model ng Phivolcs, ang panukalang batas sa Building Act ng Pilipinas na nagpapawalang-bisa sa Presidential Decree No. 1096 ng UP National Engineering Center, at mga natutunan mula sa Turkey sa pamamagitan ng President-Presidential Management – Staff.
Nagpakita din ang National Building Code Development Office (NBCDO) ng mga instrumentong narerekord ng lindol para sa mga gusali.
Tinalakay naman ASEP ang Earthquake Damage Management, ng DOF ang Disaster Risk Financing,ng DILG ang pagpapatibay ng mga pribadong gusali.
Tinutukan naman ng DPWH ang mga programa at proyekto sa Disaster Resiliency at ang Philippine Green Building Code.
Ang Earthquake Risk Resiliency Forum ay angkop na paraan para sa mga building official at mga nabanggit na mga ahensiya ng gobyerno upang talakayin at makipagtulungan para sa kapakanan ng publiko sakaling mangyari ang Big One.
Magbibigay daan din nito ang gobyerno para magplano, mag-disenyo at magtayo ng earthquake-resilient structures. - Mina Navarro