Bigyan ng mga benepisyo at pribiliheyo ang junior citizens.

Pinagtibay ng House Committee on the Welfare of Children, sa pamumuno ni Rep. Divina Grace Yu, ang House Bills 2881 at 6041 na inakda ni Rep. Robert Ace Barbers, ng Surigao del Norte.

Ayon kay Barbers, isa sa mga dahilan kung bakit naghain siya ng panukala na katulad ng Senior Citizens Act ay para matugunan ang mga pangangailangan ng “junior citizens”, mula zero hanggang 12 anyos.

Batay sa panukala, ang isang junior citizen na ang taunang kita ng pamilya ay hindi lalagpas sa P250,000 ay pagkakalooban ng 20 porsiyentong diskuwento at exemption sa value-added tax.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Nangangahulugan ito ng 32% diskuwento sa mga bilihin, gamot at serbisyo. - Bert de Guzman