Naniniwala si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na dapat nang madaliin ang pag-aamyenda sa Saligang Batas para mapalitan na ang uri ng gobyerno tungo sa federalismo.

Ito ang inihayag ng kalihim sa Fed-Ibig ng Bayan sa Pagbabago Rally sa Quezon City Memorial Circle – ang una sa serye ng rally na inihahanda ng gobyerno upang itaguyod ang Charter change para sa panukalang pagpapalit sa uri ng pamahalaan.

Iginiit ni Andanar, na sa ilalim ng federal government mabibigyan ng importansya ang iba pang mga probinsya sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Idiniin niya na mayroon na lamang apat na taong natitira ang administrasyon at dapat nang madiliin ang pagpasa sa federalismo upang maisakatuparan ang mga pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat. - Beth Camia
Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji