DOHA, Qatar (AP) — Ginapi ni Caroline Wozniacki si dating No. 1 Angelique Kerber, 7-6 (4), 1-6, 6-3, sa Qatar Open quarterfinals para masiguro ang kapit sa top ranking nitong Biyernes.
Naagaw niya ang pangunguna kay No. 2-ranked Simona Halep na umabot sa semifinals, ngunit umatras bunsod nang pinsala sa paa.
Kinakailangan ni Wozniacki na mapantayan ang inabot ni Halep sa torneo para manatiling No. 1.
Umabante si Kerber sa 5-3, ngunit nagawang makahabol ni Wozniacki para maipuwersa ang tiebreaker at makaalpas sa pahirapang first set. Umabot sda dalawa’t kalahating oras ang laban.
Makakaharap ng Dane supersat sa Final Four si Petra Kvitova, umusanand nang magretiro ang karibal na si Julia Goerges bunsod ng injury sa balakang. Tangan ni Kvitova ang bentahe sa 6-4, 2-1.
Matapos pabagsakin si American qualifier Catherine Bellis 6-0, 6-4, kaagad na iopinahayag ni Halep ang withdrawal sa semis sa Sabado kung saan nakatakda sana niyang makaharap si Garbine Muguruza.
Nagwagi si Muguruza kay Caroline Garcia of France 3-6, 6-1, 6-4 sa hiwalay na quarterfinals.
“I am surprised that I could play three matches and win them,” pahayag ni Halep, ang 2014 champion. “I felt pain every day, so it was not easy to manage it.
“I didn’t have much time to recover before this tournament, but today was too much, and I decided to stop.
“The MRI shows I have fluid and also tendinitis at the fourth toe, so I have to take care of it and think about my health first.”