VATICAN CITY (REUTERS) – Gagawing santo ang namayapang si Pope Paul VI. Ipinahayag ito ni Pope Francis nitong Huwebes sa pribadong pagpupulong ng mga pari sa Rome. Inilabas ng Vatican ang transcript ng mga pag-uusap nitong Sabado.

Nang ipahayag niya ito, nagbiro si Francis na siya at si dating Pope Benedict, nagbitiw noong 2013 at ngayon ay 90 anyos na, ay nasa “waiting list”.

Si Paul ay naging papa noong 1963 matapos pumanaw si Pope John XXIII. Ginabayan niya ang Simbahan hanggang sa pagtatapos ng Second Vatican Council, at ipinatupad ang mga reporma sa modernisasyon. Namatay siya noong 1978.

Marahil ay higit na kilala si Paul sa kanyang kontrobersiyal na encyclical Humane Vitae (On Human Life) noong 1968, na ipinagbawal ng Simbahan ang artificial birth control. Idineklara siyang banal noong 2014 matapos ang unang himala na iniugnay sa kanya.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina