VINCE MOVE! Pinarangalan ni Utah Jazz rookie Donovan Mitchell ang idolong si Vince Carter sa impresibong dunk na tulad sa istilong pinagwagihan ng All-Star at Olympian sa kanyang kabataan sa isinagawang 2018  NBA All-Star basketball Slam Dunk contest. AP
VINCE MOVE! Pinarangalan ni Utah Jazz rookie Donovan Mitchell ang idolong si Vince Carter sa impresibong dunk na tulad sa istilong pinagwagihan ng All-Star at Olympian sa kanyang kabataan sa isinagawang 2018 NBA All-Star basketball Slam Dunk contest. AP

LOS ANGLES (AP) – Sa unang taon ni Donovan Mitchell sa NBA, tunay na kapansin-pansin ang kanyang taleto. At sa NBA All-Star weekend, tinumbasan niya ang inaasahan ng basketball fans.

Tinanghal na 2018 Verizon Slam Dunk champion ang 6-foot-4 na si Mitchell ng Utah Jazz nitong Sabado (Linggo sa Manila) sa All-Star Saturday night sa Staples Center.

Kinakailangan niyang makaiskor ng 47 sa final dunk para magapi si Larry Nance Jr. ng Cleveland Cavaliers. Sa kanyang final dunk, suot ang Toronto jersey ng idolong si Vince Carter, umiskor siya ng 48 para tanghaling bagong hari sa Slam Dunk.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kapwa kinailangan ng dalawa ang tulong at suporta ng kapamilya para maisagawa ang inihandang dunk. Kinuha ni Mitchell sa bench ang nakababatang kapatid na babae, gayundin ng comedian na si Kevin Hart ang anak nitong lalaki para sa ikalawang dunk sa first round. Suot naman ang Phoenix jersey na suot ng ama nang magwagi bilang unang Slam Dunk champion noong 1984, ginaya ni Nance Jr., ang istilo ng ama. Sa final round, ang ama na si Larry Sr. ang naghagis ng bola para sa alley-oop windmilled dunk.

Ngunit, natabunan ni Mitchell ang istilo ni Nancy Jr. nang gayahin ang reverse 360 dunk na nagpanalo kay Vince Carter noong 2000 Slam Dunk contest sa Oakland.

Umiskor si Mitchell ng perfect 50 sa kanyang unang dunk sa final round nang kunin para sa impresibong one-hand dunk ang ibinatong bola sa board.

Maituturing ‘great replacement’ si Mitchell, lider ng Jazz sa impresibong 11-0 winning run bago ang All-Star break, matapos palitan si 2016 Slam Dunk runner-up Aaron Gordon bunsod ng injury.

“I wanted this so badly,” pahayag ni Mitchell. “This is one of my favorite events of All-Star weekend. To not only be in it, but to win it, it’s crazy.”