Ni Bella Gamotea

Nagpatupad ng ikalawang bugso ng big-time oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Phoenix Petroleum Philippines, kahapon ng umaga.

Sa pahayag ng Phoenix Petroleum, epektibo dakong 6:00 ng umaga ng Pebrero 17 ay nagtapyas ito ng P1.30 sa kada litro ng diesel, at P1.15 naman ang bawas-presyo sa gasoline, habang hindi nagbago ang presyo ng kerosene.

Kaagad namang sumunod ang Petron Corporation, na nagbawas ng P1.25 sa diesel, P1.20 sa kerosene, at P1.05 sa gasolina, epektibo sa ganap na 6:00 ng umaga ngayong Linggo.

Sen. Kiko, tinutulan visa-free policy sa mga Chinese national

Asahan na ang pagsunod ng ibang kumpanya ng langis sa kahalintulad na oil price rollback, na bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Pebrero 13 unang nag-rollback sa presyo ng langis ngayong taon, nang magtapyas ng P1.30 sa diesel, P1 sa gasoline, at 85 sentimos sa kerosene.