Ni REGGEE BONOAN

“WHAT’S good about taking risk especially at this point of competition, shows that you’re serious with your craft. I want to show my respect to the Chinese audience and to the Chinese culture and Chinese music.”

KZ copy

Ito ang paliwanag ni KZ Tandingan nang tanungin kung bakit Chinese song ang napili niyang awitin sa 6th episode ng Singer 2018 competition na ipinalabas nitong Biyernes ng gabi.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kuwento ni KZ, napakinggan niya ang awiting What Do You Want From Me habang nasa biyahe siya.

“I actually heard this song by accident, I instantly fell in love with the melody of the song. When I found out what the song really meant I fell more in love with the song,” kuwento ng dalagang singer.

Medley ng tatlong Chinese songs ang kinanta ni KZ, What Do You Want From Me (ni Joker Xue); All The Things You Never Knew (Leehom Wang) at Still Hurting (Power Station) na inaral niya nang husto ang tamang pagbigkas sa Mandarin.

“I had about less than two weeks to learn the song, I always ask them, how do you do it, how do you position your tongue and your teeth so you can pronounce that word. If I don’t get it perfect, I hope I can go close to the almost perfect pronounciation,” kuwento ni KZ.

Bago siya nag-perform ay sinabi niyang, “If I’ll stay or go home, I think the Philippines will be very proud because I did everything that I could.”

Napuna agad ng idolo ni KZ, na kaibigan na niya ngayon, na si Jessie J na ninenerbyos ang dalaga, at sinabihan naman siya ng ‘good luck’ ng ibang mga katunggali niya.

Hindi man namin naiintidihan ang lyrics ng kinanta ni KZ ay napaganda talaga ng madamdaming pagkakaawit niya, kaya kitang-kita sa mukha ng audience na kinukunan ng mga kamera na damang-dama ang pagkanta niya. Katunayan, may ilan pang napapapikit ang mga mata, may napapaluha, at may nakikisabay sa pagkanta.

Sa unang paragraph pa lang ng pagkanta ni KZ ay nagandahan kaya napangiti na si Jessie J at ang ibang katunggali niya. Titig na titig kay KZ si Hua Chenyu at ang iba pang mga katunggali niya dahil nga classic Mandarin songs ang binanatan niya na alam siyempre nilang mahirap i-deliver nang maayos ng dalaga na hindi naman Chinese at ilang araw lang inaral ang kanta.

“I like the way she ended it, didn’t exaggerate it,” sabi ni Hua Chenyu.

“Not easy for her, so hard,” hirit naman ng isa pa.

“Good, I think, she picks the right songs too,” wika naman ni Wang Feng.

May nagsabi rin ng, “A lot of facial expression and very touching too.”

Bago umalis ng entablado si KZ ay ipinakilala niya ang sarili sa lengguaweng Chinese na pinalakpakan nang husto at may mga sumigaw pa ng pangalan niya.

Sa pitong naglaban-laban sa 6th episode ng Singer 2018, tanging si KZ lang ang kumanta ng ballad. Halos lahat ay pop rock at jazz.

Hindi man nakuha ni KZ ang unang puwesto na inaasam ng mga kababayan natin ay regular contender na siya ng Singer 2018. Marami ang umaasa na mananatili siya hanggang maging finalist.

Nanguna si Hua Chenyu; pumangalawa si Jessie J; third si Angela; 4th si Wang Feng; 5th James Li; at 6th si KZ sa resulta sa 6th episode. Walo silang naglaban-laban. Sa overall average, 3rd ang puwesto ng Pinay singer.

Paulit-ulit naming pinapanood ang performance ni KZ, grabe, ngayon lang kami napaiyak ng babaeng ito sa lahat ng performances niya.

Ano kaya ang susunod na aawitin ng Philippine’s pride sa 7th episode na balitang nakuha niya ang 4th place, base sa nakita naming chart na ipinost ng isang masugid na tagasubaybay ng Singer 2018?