Ni Annie Abad

MAGANDANG pasimula ang pagpasok ng taon para sa local cycling ng mangibabaw ang batang siklistang si Rex Luis Krog matapos nitong maiuwi ang silver medal sa katatapos na Junior Men’s Division Asaian Cycling Championship na ginanap sa Naypyidaw, Myanmar.

Ito ang unang pagkakataon na lumahok ang 17-anyos na si Krog sa international competition kung saan ay nakapagbigay pa siya ng karangalan sa Pilipinas.

“Pressured po pero dahil sa suporta ng Philicycling po at ng coach, tsaka ng family ko lalo po ako nagpursigi na lumaban,” pahayag ng batang Krog na anak ng dating cycling national team member na si Marita Lucas at Eduard Krog.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Si Krog ang tumapos sa pananabik ng bansa na muling makapag uwi ng medalya buhat sa Asian Championship. Ang huling medalya na naiuwi ng cycling ay noong 2011 kung saan nakapagbitbit ng bronze si Rustom Lim sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Samantala, buo naman ang suporta ng Philcycling kay Krog kung saan ayon sa Secretary Genral nitong si Jun Lomibao, ay handa sila na bigyan ng magandang programa ang batang siklista na naaayon sa kanyang katangian.

“We have to consult the experts on what kinds of program ang babagay sa biometrics ni Luis para maihanda natin siya sa mga susunod niyang competitions,” sambit ni Lomibao.

Nagpapasalamat naman si Krog sa kanyang coach na si Edz Hualda sa suportang ibinibigay ng Philcycling sa kanyang atleta at ng Powerball marketing and Logistics Corp. Ayon sa kanya mahaba habang pagsasanay ang plano nilang isagawa para kay Krog at sa iba pang batang siklista. gayung ayaw nilang isabak sa pangmalakasang torneo ang bata habang hindi pa ito salang sala.

“Ang plano namin, itrain pa siya ng itrain, at wag muna siya isabak sa pang pro na tournment hanggan’t under 23 pa siya kasi baka mabigla ang bata e,” ani Hualda.