Roger Federer  (AP Photo/Michael C. Corder)
Roger Federer (AP Photo/Michael C. Corder)

ROTTERDAM, Netherlands (AP) — Isang araw matapos manatiling world No.1, senelyuhan ni Roger Federer ang slots sa final ng ABN AMRO World Tournament matapos gapiin si Andreas Seppi, 6-3, 7-6 (3), nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Sa finals, makakaharap ng 36-anyo na si Federer si Grigor Dimitrov target ang ika-97 titulo sa Tour. Tangan ni Federer ang 6-0 bentahe sa kanilang head-to-head match up.

“We have a similar style of play. The more aggressive player, the more steady server is going to ... have the upper hand tomorrow,” pahayag ni Federer.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tatanghalin siyang pinakamatandang player na No.1 sa world ranking sa opisyal na pahayag ng Tour sa Lunes.

“Maybe the pressure being gone helped me a little bit,” aniya.

Umusad ang No. 5-ranked na si Dimitrov sa championship nang gapiin si No. 7 David Goffin, nagretiro nang matamaan ng bola sa mata.