Ni Reggee Bonoan

NAGKAROON agad ng blowout para sa cast and crew ng The Blood Sisters ang Dreamscape Entertainment head na si Deo Endrinal nitong Biyernes ng gabi dahil sa pilot week nila na nanalasa sa ratings game.

Consistent na mataas ang ratings ng bagong serye ni Erich Gonzales simula nang umere ito noong Lunes, Pebrero 12 at tinalo ang katapat na programa ng GMA-7.

Nagustuhan kasi agad ng viewers ang kuwento ng The Blood Sisters maging sa unang araw pa dahil may aabangan kaagad.

Mark Anthony Fernandez, nadaya kaya wala pang acting award?

Hindi namin babanggitin kung sinong TV executive ng kakumpetensiyang network ang nagsabing, “Ang ganda ng The Blood Sisters, ha! Kapit kaagad ang manonood. Ang galing ni Erich.”

Nalaman tuloy namin na inabangan at tiningnan din pala ng TV executive na nakausap namin ang Wildflower ni Maja Salvador.

“Ganito rin ang nangyari noon sa pilot episode ni Maja, kumapit kaagad ang viewers, same formula with Blood Sisters,” sabi sa amin.

Sa kabila ng mga papuring naririnig namin sa The Blood Sisters ay may nagkuwento sa amin na ninenerbyos pa rin ang bida nilang si Erich. Dahil daw sa kaliwa’t kanang pagbati sa kanya, lalo siyang na-pressure. Kasi nga kailangan niyang ma-maintain ang mataas na ratings.