Ni Lyka Manalo

BATANGAS CITY, Batangas – Pansamantalang sinuspinde ng Batangas City government ang operasyon ng transport network vehicle services (TNVS) na U-Hop dahil umano sa kawalan nito ng prangkisa sa Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sa kautusan, idinahilan din ng Sangguniang Panlungsod (SP) na nakabimbin na renewal ng business permit nito sa lungsod.

Binanggit naman ni SP member Oliver Macatangay, chairman ng Committee on Transportation, na ginawa lamang nila ang nararapat na hakbang laban sa naturang ride-sharing shuttle service, matapos nilang matuklasan na wala itong prangkisa o Certificate of Public Convenience mula sa LTFRB.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Pormal na, aniya, nilang isinilbi ang suspension order sa kumpanya, na may tanggapan sa Grand Terminal sa Barangay Alangilan, Batangas City.

Kaugnay nito, kinumpirma na ng kumpanya na itinigil muna nito ang operasyon hanggang hindi pa nakakukuha ng prangkisa mula sa LTFRB.