Ni JIMI ESCALA

NAGPUPUYOS sa galit si Pokwang sa puna ng isang netizen na nag-re-post ng kanyang video na malapit na raw mahulog sa sofa ang baby niyang si Malia.

Pokwang copy

Hindi ito pinalagpas ni Pokwang na umamin na nanggagalaiti siya nang mabasa ang naturang puna. Ganoon na lang ang kanyang pagtataray parang pinalalabas ng maling akala ng netizen hindi niya binabantayan nang maayos ang kanyang sanggol.

Events

'Rated J?' Korina Sanchez, Jessica Soho naispatang magkasama sa Vatican

“Nakakairita, sobrang maepal kasi. Salamat sa totoong may concern sa bata. Pero hindi naman ako isang bobo at kalahati na para bang pababayaan ko na lang na mahulog ang anak ko sa sofa,” sabi ni Pokwang.

Eksaherada na raw masyado ang ilang komento na nababasa niya.

“Sa totoo lang ang sarap nilang patulan talaga at ang sarap nilang… ewan ko lang, ayoko na lang sanang magsalita ng pangit pa. Wala na nga silang pahintulot na i-post ang video ko sa social media, eh, kung anu-ano pa ang mga pangit nilang sinasabi.

“‘Tapos palabasin pa nilang isa akong bobong ina at walang kuwentang kapatid ang anak ko ring si Mae. Sobra sila,” banggit ni Pokwang.

Ipinagdiinan niyang hindi siya pabayang ina. Kaya nakiusap siya na tigilan na ng bashers ang hindi nakakatuwang mga komento.

“Tigilan na ang pandarambong sa YouTube or kung saan mang social media. Ang iba kasi, eh, gusto lang makarami ng mga viewers at kung anu-ano na raw ang pino-post ng mga ito. Sana pag-aralan na lang nila ang kung ano ang ‘clickbait’.

“Sana nga lang, eh, i-swipe na lang nila at pag-aralan kung ano ba ang clickbait. Pakiusap, huwag ang anak ko ang paglaruan nila at baka kung ano ang magawa ko sa kanila,” sabi ni Pokwang.

Aminado si Pokwang na para sa kapakanan ng mga anak niya ay kaya niyang maghuramentado. Sensitive kasi siya pagdating sa mga mahal niya sa buhay.

“Nanay ako at kahit sinong nanay, kahit isa pang santo siya, pagdating sa mga anak nila, eh, ibang klaseng usapan ‘yun.Wala tayong sinasanto lalo na sa ganyang klaseng bata. Wala tayong relihiyon.

“Ayoko namang magmalinis, tao lang tayo at hindi santo, tirahin na nila ako huwag lang ang mga anak ko,” napatawa pero seryosong sabi pa ni Pokwang.