Ni KRIZETTE CHU
PUMANAW kahapon si Napoleon Abueva, ang National Artist for Sculpture, sa edad na 88.
Ang modernist sculptor, itinuturing na ama ng Modern Philippine Sculpture, ang pinakabatang naging National Artist awardee sa edad na 46.
Siya ang kinikilalang humubog sa Philippine sculpture scene, sa paggamit ng local at indigenous materials mula sa matitigas na kahoy gaya ng molave, acacia, ipil-ipil, kamagong, hanggang sa iba pang modernong medium tulad ng metal, steel, semento, marmol, bronze, at brass.
Noong 1951, ipinakilala niya ang early innovation na tinatawag na “buoyant sculpture, jutting out from the surface of a pool,” at noong 1980 ay naging isa sa mga unang Pilipino na nagkaroon ng one-man show sa Philippine Center sa New York.
Ang isa sa kanyang mga obra, ang The Sculpture, ay naka-display ngayon sa United Nations headquarters sa New York City.
Ang ilan sa kanyang major works ay ang Eternal Garden Memorial Park, UP Gateway (1967), Nine Muses (1994), UP Faculty Center, Sunburst (1994) at ang Peninsula Manila Hotel, ang bronze figure ni Teodoro M. Kalaw sa harapan ng National Library, at murals na gawa sa marmol sa National Heroes Shrine, Mt. Samat, Bataan.
Ipapahayag ng Cultural Center of the Philippines ang state necrological honors pagkatapos ng konsultasyon sa kanyang pamilya.