Ni Leandro A. Alborote

TARLAC CITY - Mapakikinabangan na ngayon ang botika ng bayan na binuksan para sa mahihirap na residente ng Tarlac City.

Sa pahayag ng Tarlac City government, nakalaan ang botika sa 76 na barangay ng lungsod.

Pinapayuhan ang mga residente na kumuha muna ng certificate of indigency, voter’s ID o certification, at reseta mula sa City Health Center upang makakuha ng libreng gamot.

Ina ni Jerlyn Doydora, pinapanagot si Renee Co sa pagkasawi ng anak sa Mindoro: ‘Walang hiya ka’