Ni Marivic Awitan

Mga laro Ngayon

(Fil Oil Flying V Center)

8:00 n.u. -- Ateneo vs UE (m)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

10:00 n.u. -- FEU vs UP (m)

2:00 n.h. -- Ateneo vs UE (w)

4:00 n.h. -- FEU vs UP (w)

HAHARAPIN ng Ateneo de Manila ang University of the East sa pagpapatuloy ng aksiyon ngayong hapon sa women’s division ng UAAP Season 80 volleyball tournament .

Magsasagupa ang Lady Eagles (1-2) at ang Lady Warriors sa unang women’s match ganap na 2:00 ng hapon na susundan ng salpukan ng Far Eastern University at University of the Philippines ganap na 4:00 ng hapon sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan.

Sinabi ni senior middle blocker Bea de leon na ibinalik lamang nila ang “happy-happy, heart strong mantra” ng kanilang coach na si Tai Bundit upang makapasok sa win column pagkaraan ng unang dalawang kabiguan matapos igupo ang University of Santo Tomas Tigresses sa ikatlo nilang laro.

Consistency naman partikular sa kanilang mga beterano sa pangunguna ng graduating hitter na si Shaya Adorador ang nakikitang kulang sa Lady Warriors kung bakit mailap sa kanila ang tagumpay.

Samantala sa huling laro, parehas na galing sa dalawang sunod na pagkabigo, mag-uunahang makabangon at muling humanay sa win column ang Lady Tams at Lady Maroons.

Nais ni FEU coach George Pascua na makita ang team effort ng kanyang mga manlalaro upang masuportahan ang bawat isa partikular ang mga setters.

“Yun ang gusto ko baguhin. Sana bago mag-second round, yun ang maayos nila. Yun lang talaga ang problema namin. Ang mindset at yung decision-making ng mga setters. Kailangan maging consistent sila sa mga binibigay nilang set,” ani Pascua na tinutukoy sina Kyle Negrito at Gel Cayuna.

Nais ni Pascua na manguna sina veteran spikers, Toni Basas at Bernadeth Pons, sa hinihingi nyang adjustments. .

“Sabi ko kasi sa kanila (Pons and Basas), team effort yan eh. So kung ano yung binigay ng setter ninyo, pagtiyagaan niyo na lang. Bilang beterano, diba, wag na kayo mamili ng magandang set, kilala niyo naman ang bawat isa.”.

“Tulong-tulong na lang,” aniya.