Ni LESLIE ANN G. AQUINO

PARA mahikayat ang mas maraming Pinay na tumakbo sa May 14 Barangay and Sangguniang Kabataan polls, kinuha ng Commission on Elections (Comelec) si Kathryn Bernardo bilang kanilang pro-women influencer.

Kathryn copy copy

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, pinili si Kathryn para tumulong sa pagsusulong ng gender equality sa political participation dahil kinakatawan niya ang talino at kakayahan ng mga Pinay.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“This has made her a powerful role model, particularly for the youth,” sabi ni Jimenez.

“In a political landscape that would benefit tremendously from greater participation of women, she is a fitting voice to deliver the Comelec-Gender and Development message encouraging women to participate in elections, not just to register as voters but to run for posts,” dugtong niya.

Nauna rito ay sinabi ng poll official na kahit marami ang female registered voters, mas marami ang mga lalaking nahahalal sa puwesto.

“Women make up half the population, then it does logically follow that they should be just as involved in governance as men are. But as things stand, they aren’t,” sinabi noon ni Jimenez.

Batay sa datos ng Comelec, mayroong kabuuang 212,922 female candidates sa 2013 barangay polls kumpara sa 605,776 lalaking kandidato.

Sa resulta ng eleksiyon ay 86,377 babae at 246,410 lalaki ang nanalo sa mga puwesto sa barangay.

Noong 2010 SK polls, mayroong kabuuang 263,587 babae na tumakbo kumpara sa 261,287 lalaking kandidato.

Pagkatapos ng eleksiyon ay nahalal ang 134,558 babae at 137,872 lalaki bilang SKofficials.

Itinakda ng Comelec ang pahon ng paghahain ng certificate of candidacy para sa Barangay at SK polls simula Abril 14 hanggang 20.