Ni TARA YAP

Boluntaryong pinagsilbihan ni Iloilo City Rep. Jerry Treñas ang tatlong-buwang preventive suspension na ipinataw ng Sandiganbayan laban sa kanya.

Inamin ni Treñas na nagkusa na siya sa implementasyon ng sariling suspensiyon na nagsimula nitong Pebrero 12.

Una nang naiulat na hindi isinilbi ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang suspension order na inilabas ng Sandiganbayan nitong Enero 2018, dahil isasalang sa paglilitis ang kaso ni Treñas na paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019).

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

“I wrote to Speaker (Alvarez) that it is voluntary,” sabi ng kongresista.

Inakusahan ng anti-graft court ang kongresista sa pagbibigay umano ng “unwarranted benefits or advantage” sa Iloilo Press Club (IPC) kahit hindi ito accredited na organisasyon.

Sa record ng kaso ni Treñas, kumuha umano siya ng P500,000 sa “pork barrel” ni Senator Loren Legarda at ibinigay sa IPC noong alkalde pa siya ng lungsod noong 2003-2004.

Dahil dito, itinalaga muna si Iloilo 3rd District Rep. Arthur Defensor, Jr. bilang “legislative liaison officer” sa nag-iisang distrito ng Iloilo City.

Paglilinaw ni Defensor, ang trabaho lamang niya ay tiyaking gumagana ang tanggapan ng mambabatas at nilinaw na hindi siya maaaring makialam sa mga bagay na may kinalaman sa lehislatura.