Ni REGGEE BONOAN

PASABOG agad ang pilot episode nitong Lunes ng The Blood Sisters na pinagbibidahan ni Erich Gonzales bilang si Erika na mananayaw sa club sa Davao City para may pambayad sa hospital kung saan naka-confine ang anak at ang kaibigang si Ogie Diaz sa karakter na Bruce.

eRICH 1 copy

May nangyaring patayan sa club at si Erika ang pinagbibintangan dahil siya ang huling nakasama ng lalaking may hawak ng mga pangalan ng miyembro ng sindikato na pilit na dinudukot ng grupo ni Ian de Leon (Greg Solomon).

Tsika at Intriga

'If sayaw dahil fiesta, sayaw lang!' Boom Labrusca, tinira mga 'naghuhubad' sa pista

Ipinahanap agad ni Greg si Erika para makuha ang notebook na inaakala nitong nasa pangangalaga ng huli at patayin na rin para walang testigo.

Pero walang inabutan sa bahay ang mga tauhan ni Greg dahil sa bahay ni Bruce tumuloy si Erika para sunduin sana ang anak, pero nakita niyang nasa bahay ang grupo kaya nagdesisyong magtago at paalagaan muna sa kaibigan ang anak.

Nagtungo sa Maynila si Erika (Erich) at humingi ng tulong sa kaibigang si Tonyo (Ejay Falcon) at nakitira na rin siya sa bahay nito.

Nalaman ng mga tauhan ni Greg kung nasaan si Erika at sinundan-sundan sila ni Tonyo hanggang makarating ng mall.

Nakakuha ang pilot ng The Blood Sisters ng rating na 25.2%, ayon sa datos ng Kantar Media samantalang 16.9% naman ang nakuha ng Wowowin.

Sa ikalawang episode na umere nitong Martes, nakita na ni Erika ang kamukha niyang si Carrie na dumating ng Pilipinas mula sa pagtatapos ng medisina sa Sweden.

Dahil magkamukha, sinundan-sundan ni Erika si Carrie hanggang sa makita siya ng mga tauhan ni Greg at umaatikabong habulan ang nangyari. Napunta siya sa parking lot na kinaroroonan din ng kakambal at napagkamalan ang una kaya binaril.

Sa harapan mismo ni Erika natumba si Carrie at sa takot ay nadala niya ang bag nito na tumilapon sa kanya.

Nagkaroon ng pagkakataon si Erika na magpanggap bilang si Carrie nang makarating na siya sa bahay nito at nakilala ang magulang kaya lang nagulat siya at hindi makapagsalita dahil English speaking pala ang pamilya.

Bukod sa mataas ang ratings ay nag-trending din sa online world ang TV comeback ni Erich sa hashtag na #TBSSimula na inulan ng papuri ng netizens.

Komento ng Twitter user na si @an_aficionada, “Ang ganda ng kabuuan ng pilot episode! Congrats Erich at sa buong ‘TBS’ team! Magdiwang! Maraming salamat sa paghahandog sa amin ng isa na namang de-kalidad na serye!”

“Nagbalik ka na talaga, Erich! Grabe si Erika ngayon. Galing. Iba ang pilot episode. Pasabog kung pasabog eh,” ayon naman kay @roseannedg11.

Anyway, hanggang kailan tatagal ang pagpapanggap ni Erika bilang si Carrie? Ano pa kaya ang matutuklasan niya tungkol sa kanyang tunay na pagkatao?

Abangan ang The Blood Sisters mula Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN Primetime Bida bago mag-TV Patrol at para sa updates, pumunta lamang sa fb.com/dreamscapeph o i-follow ang @dreamscapeph sa Twitter at Instagram.

Ang ibang cast ng The Blood Sisters ay sina Cherry Pie Picache, Enchong Dee, AJ Muhlach, Jestoni Alarcon, Tessie Tomas, Dante Rivero, Pilar Pilapil, Thou Reyes, Tanya Garcia-Lapid, Dindi Gallardo, Dina Bonnevie at marami pang iba mula sa direksiyon nina Jojo Saguin atRoderick Lindayag.