Ni ARIEL FERNANDEZ, at ulat ni Tara Yap

Umapela kahapon ang ating pamahalaan sa gobyerno ng Kuwait na gawin ang lahat ng hakbangin upang mapanagot ang mga pumatay sa overseas Filipino worker (OFW) na si Joanna Daniela Demafelis, na natagpuan kamakailan sa loob ng freezer sa apartment na mahigit isang taon nang abandonado.

Pinangunahan ang mga opisyal ng pamahalaan na sumalubong sa labi ni Demafelis kahapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pasado 10:00 ng umaga kahapon, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano na nasindak maging ang Kuwaiti government sa sinapit ni Demafelis.

WAKE-UP CALL

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Ayon kay Cayetano, masyadong tragic ang pagkamatay ng Pinay, subalit isa rin itong wake-up call sa lahat ng ahensiya ng gobyerno sa ibang bansa upang paigtingin ang pagbibigay ng ayuda sa mga OFW.

“We are now working as a one-team approach from the undersecretary level down to the director level, down to the people on the ground. We’re putting a system of communications with our millions of OFWs abroad due to many cases of abuse,” sabi ni Cayetano.

Dumating sakay sa Gulf Air flight GF154 mula sa Kuwait, ang labi ni Demafelis ay sinalubong ng kanyang mga kapatid na sina Jessica at Jojit Demafelis—na kapwa nananawagan ng hustisya para sa sinapit ng kaanak.

Pinaghahanap pa rin ng Kuwaiti authorities ang amo ni Joanna na si Nader Essam Assaf, isang Lebanese na wanted sa mga kasong may kinalaman sa pamemeke ng tseke. Tinutugis din ang misis ni Assaf na isang Syrian.

Una nang kinumpirma sa mga ulat mula kay Philippine Ambassador to Kuwait Renato Villa na batay sa resulta ng initial autopsy, matagal nang binubugbog si Demafelis at ito rin ang ikinamatay nito—may mga bali ito sa tadyang, maraming sugat at nagkaroon pa ng internal bleeding.

NGAYON ANG DATING SA ILOILO

Ibibiyahe ang labi ni Joanna patungo sa kanyang bayan sa Sara, Iloilo ngayong Sabado ng madaling araw.

Nakipag-ugnayan na ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)-Region 6 sa pamilya Demafelis para sa pagsundo sa labi ng OFW mula sa Iloilo Airport, bandang 5:30 ng umaga ngayong Sabado, ayon kay Shelly Mae Solis, OWWA welfare officer.

Hindi naman sigurado ang OWWA-6 kung personal na bibisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa burol ni Joanna.

“I cannot confirm that. But knowing the President, he always visits and sympathizes and gives his condolences to the family,” sabi ni OWWA-6 Director Wilfreda Misterio.