Ni ADOR SALUTA
NAG-MOVE-ON na si Angelica Panganiban sa hiwalayan nila ng kanyang huling boyfriend. Hindi man pinangalanan, si John Lloyd Cruzang tinutukoy niya.
Idinaan ni Angelica sa biro ang pagkukuwento kung paano sila nagkahiwalay ng sinasabi last boyfriend niya na nalaman na lang niyang hiwalay na pala sila ng nang makitang may kasama na itong ibang babae habang nagbabakasyon sa isang isla.
Hindi ba’t naging kontrobersiyal ang pagsasama nina John Lloyd at Ellen Adarna sa Bantayan Island sa Cebu?
“Yung pinakamalala, ‘yung di ka brineakan, ‘tapos ikaw, parang, ‘Ha? Akala ko tayo?’
“‘Tapos kung gusto mo mang kausapin, di mo mahagilap, di mo makausap.
“So, magde-decide ka na, ‘So, move on na ako, ‘no? Breakup na siguro ‘yun?’”
Ayon kay Angelica, imposibleng walang signal ang mobile phone ng kanyang last boyfriend dahil nakakapag-update naman ito sa social media noong panahong hinahagilap niya ito.
“Mukhang may signal naman siya, kasi may mga videos na lumabas na nasa island sila, sumasayaw sila, mga bangag sila.”
Ang pagkakaroon ng ibang babae ng nobyo ang nag-udyok kay Angelica upang mag-move on na.
“So, sabi ko, ‘Sila na siguro, di lang ako na-inform,” sabay tawa.
Base sa kuwento ni Angelica, lumalabas na may relasyon pa sila ng ni John Lloyd hanggang mid-2017.
Napabalitang naghiwalay sila noong January 2016 na kinumpirma nila sa magkahiwalaya na mga panayam sa kanila nang panahong iyon.
Naiulat ding nanatili silang mabuting magkaibigan, base sa panayam kay Angelica noong November 2016, at sa panayam din John Lloyd noong January 2017.
Nang mga sumunod na buwan ay makailang-beses pang namataang magkasama ang ex-couple.
Ngunit kung nanumbalik man ang kanilang relasyon noon, hindi nila iyon isinapubliko.
Sa nakikitang mga post sa social media, sigurado ang netizens na si Ellen nga ang dahilan ng pagkakalabuan nina Angelica at John Lloyd. Nagsimula ang pagkakamabutihan nina Ellen at John Lloyd nang maging regular ang sexy actress sa sitcom na Home Sweetie Home na pinagbibidahan nina John Lloyd at Toni Gonzaga.