Ni Gilbert Espeña

TIYAK na mapapalaban si WBO No. 2 Aston Palicte ng Pilipinas sa tile bout sa pipiliin ng samahan makaraang makumpirma na bibitiwan na ni WBO super flyweight champion Naoya Inoue ang titulo para hamunin si WBA bantamweight titlist Jamie McDonnel ng United Kingdom.

“Naoya Inoue, the WBO super flyweight champion, will be moving up in weight and fighting at 118lbs for the first time,” ayon sa ulat ng Sky Sports sa UK kamakalawa. “The decision to move up to bantamweight was based in large part to trouble making the super flyweight limit of 115lbs combined with the fact it was no longer worth the effort after he could not secure a unification fight with any of the division’s other champions, including WBA super flyweight champion Kal Yafai of United Kingdom.”

Dapat na si No. 1 ranked Rex Tso ng China ang makakalaban ni Palicte para sa mababakanteng korona ngunit nagkapinsala ito sa huling laban.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Pipiliin na lamang ng WBO kina No. 3 contender Roman Gonzalez ng Nicaragua, No. 4 Felipe Orucuta ng Mexico at No. 5 Jose Martinez ng Puerto Rico ang makakalaban ni Palicte na huling pumanhik sa ibabaw ng ring noong Disyembre 8, 2017 at pinatulog si dating WBA light flyweight champion Jose Alfredo Rodriguez sa Round Rock, Texas sa Amerika.

Galing sa pagkatalo via 4th round knockout si Gonzalez noong Setyembre 9, 2017 sa umagaw sa belt niya na si Wisaksil Wangek ng Thailand sa Carson, California at hindi pa tiyak kung puwede na itong lumaban sa kampeonato.

May rekord namang 35-4-0 win-loss-draw na may 29 knockouts si Orucuta ng Mexico samantalang si Puerto Rican Jose Martinez ay may kartadang perpektong 20 panalo 13 sa knockouts pero may nakatakdang depensa ng kanyang WBO NABO junior bantamweight title laban kay Alejandro Santiago ng Mexico sa Marso 24 sa Ponce, Puerto Rico.