ITINALAGA ng ABS-CBN bilang bagong chief operating officer (COO) ng ABS-CBN Global Ltd. si Olivia de Jesus. Siya ang mamamahala sa lahat ng international subsidiaries ng ABS-CBN, kabilang ang flagship brand nitong TFC o The Filipino Channel.

Olivia de Jesus copy copy

Si Olivia ang humalili sa puwesto ni Rafael “Raffy” Lopez na nagretiro na ngunit mananatili bilang executive adviser to the president and CEO ng kumpanya.

Bilang COO, pamumunuan ni Olivia ang pagpapalago pa ng Global business at pagpapalawak ng product lines at markets nito. Pamamahalaan din niya ang regional business operations, product management, content creation, support functions at corporate services.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Bago naitalaga sa bagong posisyon, naglingkod si Olivia bilang managing director sa North America simula 2007. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, matagumpay na nailunsad ang TFC@theMovies, One Kapamilya Go event, Lifestyle Network Global, Myx TV, Adobo Nation, at iba pa na nagpatibay pa sa ABS-CBN bilang isang global brand.

Bilang dating ABS-CBN North America managing director, nanilbihan din siya bilang board director and treasurer ng Asian American Advertising Federation (3AF) mula 2008 hanggang 2011. Pinarangalan siya bilang isa sa 100 Most Influential Filipinas in the U.S. ng Filipina Women’s Network’s (FWN) noong 2012. Sa kasalukuyan, nananatili siyang vice chairman ng board ng ABS-CBN Foundation International, isang non-profit philanthropic arm ng ABS-CBN.

Kamakailan, pinangunahan din ni OIivia ang TFCU Talks, reality travel show na Discovering Routes, at ang unang Cinematografo International Film Festival sa San Francisco para sa umuusbong na global Filipino millennial market.

Taong 1996 nang pumasok siya sa ABS-CBN. Bago naging Kapamilya, si Olivia ay isang award-winning senior creative sa McCann-Erickson and Saatchi & Saatchi sa Pilipinas.

Nagtapos siya ng Advanced Management Program sa Harvard Business School nooong 2015 at nakuha ang kanyang Bachelor of Arts degree in Communication sa University of the Philippines, Diliman.