Ni Jun N. Aguirre

KALIBO, Aklan - Matutuloy pa rin ang pagdaraos ng ‘LaBoracay’, o ang pista sa isla, sa Mayo 1 kahit na nababalot sa kontrobersiya ang pinakasikat na tourist destination sa bansa, at kinikilalang pinakamagandang isla sa mundo.

Ito ang tiniyak kahapon ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Regional Director Jimmy Sampluna, sinabing pinulong niya ang mga negosyante sa lugar upang matuldukan na ang usapin sa kalinisan sa isla.

Dalawang buwan, aniya, ang ibinigay niyang palugit sa mga violator upang sumunod sa mga alintuntunin ng kagawaran o sa environmental laws upang hindi na tuluyang isara sa turista ang Boracay.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang ‘LaBoracay’ ay isang taunang event kung kailan pinakamarami ang dumadayong turista para mag-party.

Aabangan din, aniya, nila ang magiging reaksiyon ng mga turistang dumarating para sa LaBoracay, kaugnay ng banta ni Pangulong Duterte na ipasasara ito kung hindi mareresolba ang problema sa kalinisan.

Inaasahan na rin, aniya, ang pagbisita ni DENR Secretary Roy Cimatu sa isla sa weekend.