Ni Argyll Cyrus B. Geducos

Hindi dapat maalarma ang publiko kaugnay ng pagpapangalan ng China sa limang underwater features sa Philippine Rise (dating Benham Rise) sa kabila ng sovereign rights ng Pilipinas sa rehiyon.

Ito ang reaksiyon ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng napaulat na pinangalanan na ng China ang limang underwater features sa Philippine Rise, dahil nadiskubre ang mga ito ng mga Chinese researcher sa nakaraang dalawang dekada.

“No reason for alarm. Kinikilala nila ang ating sovereign rights sa Benham Rise,” paniniyak kahapon ni Roque sa press conference.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Nilinaw ng opisyal na hindi kinikilala ng Pilipinas ang mga ipinangalan ng China sa nabanggit na mga underwater features, at papangalanan pa rin ng ating pamahalaan ang mga ito.

Una nang pinangalanan ng China ang limang underwater feature ng Philippine Rise: ang Jinghao, Tianbao, Haidonquing, Jujiu Seamounts; at Cuiqiao Hill. Naiulat na ang Cuiqiao Hill at Jujiu Seamount ay lumikha ng central peaks ng mismong Philippine Rise undersea geological province.

“Dahil meron tayong sovereign rights, meron tayong karapatang magbigay ng pangalan. ‘Wag magagalit ang China dahil hindi lang naman pangalan ng Tsino ang pinalitan natin sang-ayon po ‘yan sa independent foreign policy ng ating Pangulo. We’re not attributing any bad faith to China but we’re just saying, respect us, too, that we will give Philippine names to them,” ani Roque.

Binigyang-diin nito na kinikilala pa rin natin ang Philippine name sa Republika ng Pilipinas. “We hope China understands, we will not recognize [the names they gave] for purpose of our domestic affairs,” paliwanag nito.

Sinabi rin, aniya, ni Pangulong Duterte na hindi malaking usapin ang nasabing hakbangin ng China dahil kinikilala lamang ang Philippine Rise sa ilalim ng soberanya ng Pilipinas.

“Ang sinabi ng Pangulo, ‘Wala akong pakialam kung ano man ‘yan’. Basta ito ay na-award sa Pilipinas, kahit anong sabihin ng China, maglalagay din tayo ng pangalan diyan,” dagdag pa ni Roque.