Ni Mary Ann Santiago

Magkakaroon ng second collection ang Simbahang Katoliko sa unang Linggo ng panahon ng Kuwaresma, at ito’y ilalaan para sa mga overseas Filipino worker (OFW).

Sa inilabas na circular ng Archdiocese of Manila, pinaalalahanan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga parokya sa kanyang nasasakupan na ang kanilang 2nd collection para sa unang Linggo ng Kuwaresma ay ilalaan sa OFWs.

Kaugnay nito, sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng 32nd National Migrants’ Sunday, ay umapela si Tagle sa mga mananampalataya na patuloy na ipagdasal at tulungan ang mga OFW, maging ang kanilang mga kamag-anak na naiwan sa bansa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

‘Welcoming Protecting and Integrating Migrants and Refugees’ ang tema ng pagdiriwang ngayong taon, na base sa panawagan ni Pope Francis sa kanyang mensahe sa World Day of Migrants na ginanap noong Enero.

“The National Migrants Sunday is dedicated to the heroism and sacrifices of OFW’s and their families,” ayon kay Tagle.