Ni Gilbert Espena

TATLONG beses pinabagsak sa unang round ni Pinoy featherweight Al Toyogon si Naotoshi Nakatani ng Japan upang magwagi via 1st round technical knockout noong Pabrero 11, 2018 sa Elorde Sports Complex, Paranaque City.

Hindi nakaporma ang mas beteranong si Nakatani sa matitinding kanan ni Toyogon kaya tatlong beses itong bumagsak.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Napilitan ang beteranong international referee na si Danrex Tapdasan na itigil ang laban eksaktong isang Segundo na lamang ang natitira sa 1st round.

Napaganda ni Toyogon ang kanyang rekord sa 6-2-1 win-loss-draw na may 3 pagwawagi sa knockouts samantalang bumagsak ang kartada ni Nakatani sa 11 panalo, 2 talo na may 7 pagwawagi sa knockouts.

Sa iba pang laban, nanalo via 8-round unanimous decision si Ricardo Sueno kay Ryosuke Nasu ng Japan samantalang nanais sa puntos ang Haponesang si Shione Ogata laban sa Pinay boxer na si Floryvic Montero kaya naiuwi sa Japan ang bakanteng WBA Asia Female light flyweight title.