Ni Rizaldy Comanda

BAGUIO CITY - Aabot sa 15,000 magsasaka sa Cordillera ang libre na sa mga bayarin sa irigasyon, alinsunod na rin sa batas na pinirmahan kamakailan ni Pangulong Duterte.

Nilinaw ni National Irrigation Administration (NIA)-Cordillera Director Benito Espique, Jr. na ang nabanggit na bilang ng magsasaka ay hindi na magbabayad sa tatlong national irrigation system facilities ng ahensiya.

Kabilang sa mga pasilidad na ito ang West Apayao-Abulog Irrigation System (WAAIS) sa Apayao, ang Upper Chico River Irrigation System (UCRIS) sa Kalinga, at ang Hapid Irrigation System (HAPID) sa Ifugao.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Umaasa rin si Espique na lalo pang gaganahan sa pagtatanim ang mga magsasaka dahil sa benepisyong dulot ng Free Irrigation Service Act (Republic Act 10969), na naglilibre sa maliliit na magsasaka sa irrigation fees.

“Under the new regulation, only farmers with more than eight hectares of farm land will still pay the fees. Farmers in the Cordillera have a maximum of five hectares of farm land,” sabi ng opisyal.