Ni Annie Abad

KUNG ngayon ang duwelo sa Asian Games, siguradong hindi bokya ang Team Philippines.

Nakopo ni decathlete Aries Toledo ang gintong medalya sa Asian Games Athletics Invitational Test Event nitong Martes sa Gelora Bung Kano Stadium sa Jakarta,Indonesia.

toledo copy

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Pinataob ni Toledo, SEA Games gold medalist, ang karibal na si Raja-Karuna-Wala ng Sri Langka sa naitalang 6, 659 puntos kontra sa 6,246 puntos ng huli.

Nalagpasan ni Toledo ang target na 6,500 puntos, ngunit ayon kay coach Sean Guevarra kaya ng 23-anyos na makuha ang 7,000 puntos kung hindi lamang sa aberya na naganap sa 100-meter run event.

Bagama’t nakaranas ng cramps at hip strain sa long jump, nagawang mailista ni Toledo ang winning jump na 7.27 meters.

Bukod dito, nagpakitang gilas din ang pambato ng Nueva Ecija na si Toledo sa 110meters hurdles kung saan naitala niya ang kanyang personal best na 14.91 segundo.

Kabuuang 30 atleta ang kasalukuyang sumasabak sa Test Event na ito para sa quadrennial meet na nakatakdang maganap sa Agosto 18 hanggang Setyembre 2.