Ni Nonoy E. Lacson

ZAMBOANGA CITY - Natiklo ng pulisya ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na nahaharap sa patung-patong na kasong kriminal, kabilang ang kidnapping at serious illegal detention, nitong Martes ng hapon.

Nakilala ni Zamboanga Peninsula Police director Chief Supt. Billy Beltran ang akusadong si Rocco Haman, may mga alyas na “Ruco Haman Isdad” at “Hamador Hadjula”, 38, binata, ng Barangay Talon-Talon.

Siya ay inaresto ng Culianan Police dakong 4:20 ng hapon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Inihayag ni Beltran na nadakip si Haman sa bisa ng warrant of arrest sa kasong kidnapping at serious illegal detention, na nakabimbin pa rin sa sala ni Judge Leo Jay Principe, ng Regional Trial Court Branch 1, 9th Judicial Region, Isabela, Basilan.

Ang pagkakadaaresto kay Haman ay kaugnay ng naganap na kidnapping incident sa Golden Harvest Plantation sa Tairan, Lantawan, Basilan noong Hunyo 11, 2001.