Ni Leslie Ann G. Aquino

Inihayag ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) na walang polisiya ang gobyerno na nagbabawal sa pagkakaroon ng karelasyon sa trabaho, at lalong hindi bawal na ma-in love ang isang empleyado sa kanyang boss.

At dahil walang polisiya na nagbabawal sa pagkakaroon ng relasyon ng magkakatrabaho, o ng empleyado sa kanyang boss, sinabi ni ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay na ang isyung “workplace romance” ay kontrolado ng pamunuan ng kumpanya.

Aniya pa, gumagamit o gumagawa ang ilang employer ng polisiya upang umalis, masibak o mailipat ang kanilang mga empleyado.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kaya nanawagan ang ALU-TUCP sa Department of Labor and Employment (DoLE) na kumilos at mag-isyu ng panuntunan hinggil sa inter- at intra-office workplace romance policy upang mapigilan ang mga abusadong employer na ipatupad ang nasabing mga kautusan.

‘WAG SIBAKIN, I-DEMOTE

“The law is vague and subject to many interpretations. Therefore, many employers tend to demote, transfer, or lay off their employee on the basis of having a relationship with their boss or with their co-employee—particularly those who are not unionized,” ani Tanjusay.

“Though judicial jurisprudences had always been in favour of complainant workers, the DoLE regulation can help minimize employees and management from strained relations and physical, financial and emotional exasperation of going to the courts for those felt injustice,” dagdag pa niya.

Sa policy engagement ng organisasyon sa DoLE, nanindigan ang ALU-TUCP na dapat sa polisiya ng kumpanya ay payagan ang mga empleyado na hayagang magkaroon ng relasyon.

Ipinagdiinan din ni Tanjusay na ang workplace romance ay hindi dahilan ng pagsuspinde, pagsibak, pag-demote, paglipat, o pagbaba ng sahod at mga benepisyo ng mga empleyado.

ASH WEDNESDAY

Samantala, dahil tumapat ang Ash Wednesday sa Valentine’s Day, nanawagan si Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa mga mananampalataya na gamitin ang oportunidad na ito upang pagnilayan ang pag-ibig at ang tunay na kahulugan nito.

Aniya pa, ang totoong simbolo ng pag-ibig ay hindi si Kupido na may dalang pana, kundi si Kristo na nakapako sa krus, at ipinahayag ang katagang “There is not greater love than to die for your beloved”. 

Sinabi rin niyang ang totoong araw ng pagmamahal ay ang Biyernes Santo.