Ni Charina Clarisse L. Echaluce

Maraming guro at health worker ang dumaranas na ng depresyon dahil sa kontrobersiya ng bakunang Dengvaxia, kinumpirma kahapon ng samahan ng mga health expert.

“Are officials aware that there are teachers and health workers, who are losing faith in themselves and experiencing symptoms of depression because they couldn’t face their students in shame?” tanong ni Dr. Eleanor Jara, co-convenor ng Coalition for People’s Right to Health (CPRH), sa press conference sa Quezon City.

Inihayag ni Jara na matapos ang ilang diskusyon kasama ang mga guro at health workers, napag-alaman nila na marami sa mga ito ang nakararanas ng stress at guilt dahil sila ang nanguna sa pagbabakuna sa may 800,000 bata.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Of course they are feeling guilty because that was not their intention in participating. They only wanted to help,” aniya.

Kaugnay nito, hiniling nila sa Department of Health (DoH) na maghandog ng psycho-social counseling sa mga taong direktang sangkot sa kontrobersiyal na dengue immunization program.

“We will be making that recommendation to the DoH as we believe they should shoulder that program,” ani Jara.

Nagsasagawa ngayon ng pagdinig ang Kongreso kaugnay ng pahayag ng Sanofi Pasteur na ang Dengvaxia ay para lamang sa mga nagkaroon na ng dengue, at maaaring magdulot ng severe dengue sa mga nabakunahan na hindi pa nagkaroon ng nasabing sakit.