DAVAO CITY (PSI) – Iginiit ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez ang kahalagahan ng character para maging matagumpay hindi lamang sa career bagkus sa pamumuhay.

Ito ang binigyan halaga ni Ramirez sa kanyang mensahe sa 300 estudyante at campus journalist na nakibahagi sa Communicate Sports: Sports journalism seminar nitong weekend sa Royal Mandaya Hotel.

“This gathering is not only about writing. This is not only about appreciating sports. This is ab out leadership in writing, your leadership as a young man and woman. If you have leadership, you have character.”

Inihalimbawa ni Ramirez ang sarili na natuto at nabuo bilang isang mahusay na lider dahil sa ‘character-building’ na mga aral na natutunan niya sa Boys Scout.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Hinimok ni Ramirez ang mga estudyane na maging determinado, magpamalas ng tiwala sa sarili at magsikap na matuto sa laban ng buhay.

“Boys scouting taught me values and character. I have to achieve. I was not very good with Math but in good in social studies. I was a great player. I was not a serious student, I was an average student, and a product of Padala Elementary School,” pahayag ni Ramirez.

Tulad ng ibang kabataan, dumanas rin siya ng kabiguan at panlilibak ng kapwa dahil sa mababang antas ng pananalita sa English bilang kinatawan ng St. Michael College sa oratorical contest sa Davao City.

Dumanas siya ng kabiguan, ngunit hindi ito naging hadlang upang isuko niya ang pangarap.

“I may be wrong that time but I already had that winner’s attitude and competitive spirit. Who would ever think that a Padada boy can journey around the world,” aniya.

Iginiit rin niya sa mga student writers na magipon hindi para makabili ng bagong kagamitan at gadgets bagkus para magamit sa paglilibot sa iba’t ibang lugar. Aniya, ang karanasan at kaalaman na matutuklasan sa kapaligiran ay higit pa sa pagbabad sa internet.

Iginiit naman ni PSC Commissioner Charles Raymond A. Maxey na dagdagan ng mga estudyante ang oras sa pagbabasa para mapaunlad ang kanilang kaalaman sa pagsusulat.

Ang Dabawenyo commissioner ay dating sports editor ng Sun.Star Davao.

Kabilang sa mga napagusapan sa seminar ang topic na Communicate Sports, the project, at The Challenges of Sports Journalism na tinalakay ng beteranong columnist na si Ed Fernandez; Know your PSC ni Commissioner Maxey at PSC in the grassroots ni Dr. Serge Opeña.