Ni Marivic Awitan

NAGPAKITA ng maturity sa laro sa maagang pagkakataon ang rookie na si Kiefer Ravena sa naitalang averaged 16.5 puntos, 7 assists, 6.5 rebounds at 1.5 steals sa nakalipas na dalawang laro ng NLEX Road Warriors kontra Meralco Bolts at Alaska Aces.

pba copy

Sa ipinamalas na kahusayan, nasandigan ni Ravena ang paghahabol ng NLEX mula sa 18-puntos na kalamangan, tampok ang game-winning basket at agawin ang 87-85 panalo sa Meralco.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tinaguriang “Phenom”,, ang second overall pick sa nakaraang PBA Rookie Draft ay tumapos na may 21 puntos, 7 rebounds, 4 assists at isang steal off the bench sa nasabing laban nila sa Bolts.

Dalawang araw kasunod nito, umiskor naman si Ravena ng 12 puntos, 10 assists at 6 assists sa ginawang paggapi ng NLEX sa Alaska 96-89.

Ibinuslo ni Ravena ang dalawang pressure-packed free throws may walong segundo ang nalalabi upang selyuhan ang panglima nilang panalo kontra apat na talo.

Bunsod nito, tinanghal siyang Player of the Week sa PBA Philippine Cup. Tinalo ni Ravena ang mga teammates na sina Kevin Alas at Larry Fonacier, Ginebra players na sina LA Tenorio, Japeth Aguilar at Greg Slaughter, Phoenix stalwarts Jeff Chan at Matthew Wright, Blackwater cagers JP Erram at Mike DiGregorio at Rain or Shine slotman Raymond Almazan para sa lingguhang Press Corps Player of the Week award.