Ni BRIAN YALUNG

SINANDIGAN ni Renaldo Balkman ang ratsada ng San Miguel Alab Pilipinas para maitarak ang 80-73 panalo kontra CLS Knights nitong weekend sa GOR CLS Kertajaya sa Surabaya, Indonesia.

Renaldo Balkman of San Miguel Alab Pilipinas (photo by Peter Paul Baltazar)
Renaldo Balkman of San Miguel Alab Pilipinas (photo by Peter Paul Baltazar)

Sinilaban ni Balkman ang mainit na opensa ng Alab para sa 8-0 run sa pagsisimula ng fourth period para maagaw ang bentahe sa 67-60. Hindi na naapula ang lagablab ng Alab para sa ikapitong sunod na panalo at kabuuang 10-4 karta.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tumapos ang Puerto Rican slasher na may 36 puntos at 10 rebounds, kumana ang kapwa import na si Justin Brownlee ng 16 puntos, 12 rebounds at siyam na assists.

Nag-ambag si Bobby Ray Parks Jr. ng 17 puntos, apat na rebounds at apat na assists.

Nanguna sa Knights si Brian Williams na may 24 puntos at 17 rebounds, habang tumipa sina Shane Edwards, Mario Wuysang, at Keith Jensen ng 17, 13 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Iskor:

San Miguel Alab Pilipinas (80) – Balkman 36, Parks Jr. 17, Brownlee 16, Domingo 8, Urbiztondo 3, Raymundo 0, Celiz 0, Sumalinog 0, Hontiveros 0, Alabanza 0, Javelona 0

CLS Knights (73) – Williams 24, Edwards 17, Wuysang 13, Jensen 12, Lish 5, Enguio 2, Kurniawan 0, Hidayat 0, Nugroho 0

Quarters: 25-19, 47-43, 59-60, 80-73